ACOJE ONLINE COMMUNITY

It is currently Thu Dec 17, 2009 5:00 pm

All times are UTC + 8 hours



Welcome
WELCOME TO ACOJE ONLINE COMMUNITY

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so, JOIN our community today. KARRUBA for life




Post new topic Reply to topic  [ 9 posts ] 
Author Message
 Post subject: a gift from heaven part 31-40
PostPosted: Tue Jun 02, 2009 2:20 am 
Offline

Joined: Sat Apr 04, 2009 2:34 am
Posts: 9
march 27, 1994 ang graduation nila...that day din ay nasa sta cruz na ako para mag abang ng sasakyan na paakyat sa atin..at buti na lang at naabutan ko pa si jumbex, doon na ako sumakay sa harap. so nagrest muna ako habang pinupuno ang jeep ni catubig, ng pamansin kong may paparating. parang kilala ko sila.at ng makalapit na nga sa jeep ay nalaman kong mama at kapatid pala niya ang sasakay, galing din sila ng manila. nagulat sila kasi alam din nilang di ako uuwi, sinabi ko na wag na lang maingay once nakaakyat na sila ng acoje para maging surprised sana sa kanya ang pagdating ko.

hanggang sa magsimula ng magbiyahe si uncle arthur. naiexcite na rin ako dahil ang alam talaga niya ay di ako uuwi. walang nakakaalam na uuwi ako sa mismong araw ng graduation niya.

after more than 2 hours na biyahe ay narating na namin ang first gate ng acoje, tanghali na rin yon doon sa atin, pasado alas dose ng tanghali. nagsimula kaming dumaan papuntang barracks at nagdiretso sa section 1 and 2, tapos ay pumasok kami sa section 3, akala ko ay didiretso kami ng pitong, hindi pala, umakyat si uncle arthur papuntang hospital hanggang sa dumaan na kami sa kumbento, so ibig sabihin non, mauunang bababa ang magulang niya at posibleng makikita niya ako s a jeep.

at alam nyo ba, na habang papaakyat na kami sa kurbada ng iglesia ni crsito ay nakita ko siyang naglalakad papuntang bahay nila. galing pala siyang section 8 para maligo dahil walang tubig sa area nila. napansin ko agad na siya yon kaya nagtago ako,.

kumakaway na kasi ang kapatid niya at mama niya. at napansin ko na lamang na itinuturo ako ng kapatid niya bagay na napansin agad niya kaya medyo nasira ang diskarte ko, kasi balak ko talaga na sopresahin siya.

kaya kumaway na lang ako sa kanya.

after non ay inihatid na nga ni uncle arthur sa kanilang bahay ang mama at kapatid niya, di na ako nagtago, nakatingin na ako s a kanya. pansin kong may hawak siyang papel, pero halatang bagong ligo siya.di pa siya bihis.

after s a kanila ay nagtungo na nga ang jeep sa section 6 tapos sa amin na, sa pitong, saka uli ito bumalik ng teachers quarter.

nagulat ang nanay ko kasi biglang sulpot na naman ako sa atin, tinanong niya ako kung bakasyon na ba raw, sabi ko, oo, actually isang linggo na kaming nakabakasyon sa skul, di lang ako agad umuwi para di mahalata na makakaattend ako ng graduation niya.

past 2, nagtungo na ako sa tennis court, di ako nagpahalata pero hinahanap ko na siya. at yon, nakita ko din siya, ibang iba na sa huling kita ko na galing siyang naligo....maayos na ang kanyang hair, nakasquare pants at blouse siya, at isa pang ikinamangha ko, nakamake up siya, simpleng make up pero litawang ganda niya.

kasama niya ang friend niyang si anith, palagi silang nagpoposing. di niya pansin, kinukuhanan ko rin siya ng mga pictures. maya maya ay tumabi na siya s a papa niya. gusto ko sana siyang lapitan pero medyo natorpe ako dahil nandyan na ang papa niya. alam kong batid nila na kami na pero dahil sa bata pa talaga kami, wala kaming lakas ng loob na ipagmalaki pa yon kaya di na ako nagtry pang lumapit sa kanya.

hanggang sa magsimula na ang ceremony, palibhasa alam niyang nandyan na ako kaya parang di na niya ako hinahanap.

di ko alam kung paano siya malalapitan kahit na alam kong hinihintay niya akong lumapit sa kanya para batiin siya, lahat na kasi ng gustong magbigay ng gift ay nakakalapit s a graduate pero ako, di ko magawa. hanggang sa tawagin na siya sa stage para ibigay ang welcome address....di na ako nagdalawang isip, tumayo na ako at nagsimulang humakbang patungong stage. at habang naglalakad ako, napansin ko ang kaibigan niya na sumesenyas sa kanya at itinuturi ako, na ang ibig niyang sabihin ay nandyan na ako. di siguro alam ng kaibigan niya na nauna na niya akong nakita.

lumapit ako sa stage para close up ang makuha kong pictures niya. siguro kabado kaya di na ako napansin, pero okay lang. nakinig na lang ako sa speech niya.

hanggang sa matapos ang ceremony ay di ko siya nalapitan para batiin. hanggang sa mag uwian na sila....

nalaman ko sa classmate niya na kapitbahay ko na pupunta sila s a bahay ng valedictorian nila kaya pinakiusapan ko ang classmate niya na sama ako.

pero di ko siya naabutan , nauna na silang mga babae sa bahay ng classmate niya kaya ang ginawa ko na lang ay ipinatwag ko siya sa kapitbahay niya, si butchoy castro. dikit kami nong time na yon eh ...at maya maya ay nakita ko na silang magkakaibigan na paparating mula sa section 6 pababa sa high school shed.

akala ko di siya mamamansin na parang nakalimutan na niya kung sino ako kaya nagulat ako nong sabihin agad niya na bakit di ako sumabay s akanila para may kasma ako. kaya yon, after nong usap na yon, nakabuntot na ako s akanya saan man sila magpunta. kasi di lang isang bahay ang pinuntahan nila, nagpunta din sila sa pitong. kaya nong pauwi na, as in grupo pa rin sila at kasama ako, pinakiusapan ko siya na medyo magpahuli, doon kasi kami dumaan sa long cut ng pitong papuntang section 6. so kwentuhan kami, nabanggit niya yong paglilihim ko ng pag uwi ko, sabi ko sa kanya, sopresa ko dapat sa kanya yon kaya lang nabuking niya kaya di na surprise!pero natuwa ako sa sagot niya, thankful siya at nakarating ako. best gift na daw yon.....at doon ko na inopen sa kanya na may isa pa akong surprise sa kanya....

nasa hulian na kami ng grupo, ng ilabas ko ang isang maliit na red box, pinakiusapan ko siya na pumikit muna at ng siya ay sumunod,iniabot ko na sa kanya ang box. inopen na niya ang kanyang mga mata, nakita kong gulat na gulat siya s a nakita niya. hanggangs a kinuha ko ang box at buksan....

isa itong singsing, gold siya pero di siya ganun kamahal, isa pa lang akong college student that time. talagang nagtipid ako para mabili yong ring na yon. at nong gabing yon, muli kong hinawakan ang kamay niya pero this time....para isuot ang ring na gift ko sa kanya. she gave me her sweetest smile in return at masaya na ako sa ngiting iyon.

corny nga ata pero i even gave her our true lovesong....yong sa white lion...TILL DEATH DO US PART. nagparecord pa ako non, di pa kasi uso ang burn noon eh, uso lang ay magparecord...so yon ang aming themesong.

after few days ay sa kanila naman nagkaroon ng party, graduation party yon ng batch nila tulad nong grade 6 sila, nagkaroon ng party di ba s a bahay nila pero di ako nakapsok...ngayon, as in the whole time ay nandoon ako sa party nila. i was very much welcomed. at doon din s a party na yon, formally naipakita namin s a lahat na kami na ngang dalawa, maging ang parents niya ay di na kumontra.

kaya lang that party ay para s a batch niya kaya ako na mismo ang nagbigay ng space. di na ako nakisama sa saya nila, andoon na lang ako sa may sound system. masaya na ako doon s a pwesto ko, at least doon s a party na yon, talagang kasama na ako at isa pang ikinatuwa ko that time, nagpaalam siya s a akin na makikihalubilo muna siya sa mga classmates niya. no problem yon sa akin...i was confident naman eh dahil wala naman doon yong ex niya, di ba nagtransfer na sa dagupan kaya okay lang. masaya na talaga ako kasi time to time ay lumalapit siya sa akin para kamustahin ako. that night was really unforgettable.

after ng party na yon, naging araw araw na ang pagbisita ko sa kanya at di na kailangang sa gabi ko pa siya dalawin, kahit s a araw ay nagagawa ko na ring puntahan siya s a bahay nila, makikipagkwentuhan, maglalaro at minsan magkakaasaran, pikon kasi yon eh, ang sarap pikunin talaga....

hanggang sa matapos na ang summer, kailangan na niyang pumunta ng manila dahil maghahanap pa siya ng school kaya nauna na siyang umalis ng acoje, ako, nagstay pa ako doon hanggang sa isang araw ...nagdecide akong lumuwas ng manila, sinabi ko sa nanay ko na kailangan ko ng mag enroll tapos balik na lang ako.

pero ang totoo non ay gusto ko na siyang makita, gusto ko siyang kumustahin kasi di na siya nakakasulat, masyado siyang busy sa manila kaya ako na mismo ang nagdecide na lumuwas na.

pagdating ko ng manila, nalaman ko na nagsisimula na pala siyang mag enroll at alam mo ba kung ano pang ikinatuwa ko?

nakapag enroll pala siya sa national teachers college na ilang blocks away sa aking skul din na TIP, di rin niya alam yon dahil bago pa lang siya s a manila.

naalala ko pa nga na pinakiusapan ako ng mama niya na samahan ko siya sa skul para kumuha ng uniform niya at that time ay miss universe pageant na ang candidate natin ay si charlene gonzales.

natuwa ako that time kasi ipinakikilala na niya ako sa mga bago niyang nakilala upon enrolment.

sinabi ko rin sa sarili ko na babantayan ko talaga siya dahil napaka enosente niya para mapaglaruan sa manila, masyadong magulo at maingay s a manila na para s a tulad niya na halos sa acoje talaga lumaki, baka mapahamak lang siya kung mag isa lang siya.

kaya naging magkasama kami lagi sa pag uwi, sinusundo ko siya nong magsimula na ang pasukan.inihahatid na rin pero hanggang sa may dulo lang ng kalye nila kasi that time ay kanila dr pareja siya tumutuloy, medyo strict sila at ipinagbabawal talagang magkaroon siya ng nobyo.

buong first year first sem niya, naging magkasama kami sa lahat ng oras. pero yon ay kung pauwi na siya. doon ko lang siya nakakasama.at sa pag uwing yon, di na rin kami pwedeng maglakwatsa dahil kailangan na rin niyang umuwi agad.

hanggang sa dumating ang second sem, medyo naging maluwag ang sked ko kaya nagdecide ako na magpart time, working student ba, gusto ko rin kasing tulungan ang mga magulang ko s a pagpapaaral sa akin. at isa pa, gusto ko na magkaroon ako ng sarili kong kita para mabili ko ang gusto ko, kaya sumabay ako sa kuya ko, nag apply kami bilang bagger sa uniwide cubao, tanggap kami doon, kaya naging madalang ang pagkikita namin.

pero ang totoo din non, medyo nagsawa ako sa naging takbo ng relationship namin. halos di ko siya maramdaman na kasama ko. kaya nong makapagtrabaho ako at makahalubilo pa ng ibat ibang tao, parang natuto akong maghanap ng wala s a kanya.

pag gusto ko siyang ilabas para manood o kumain man lang, hindi pwede, kapag sinundo ko naman siya at yayaing makipagkwentuhan muna sa akin, di rin pwede dahil hinihintay na siya s a bahay. at kapag tinatawagan ko naman siya sa kanila, halos ayaw ibigay sa kanya ang fon. parang nanawa ako sa ganun. kaya mas pinili ko munang magtrabaho na muna habang nag aaral para di ako nabobore.

hanggang sa di ko namalayan, nagkakaroon na pala kami ng ugnayan ng cashier ko. naramdaman kong masaya ako sa kanya. na kahit mas matanda siya sa akin, parang kayang kaya ko siya. at sa tuwing kailangan ko siya, nandyan siya s a akin.

yong dating dalas naming magkita ay nabawasan hanggang sa halos di na kami magsama. mas naienjoy ko ang company ng cashier namin. hanggang sa tuluyan na akong madevelop sa kanya. pero ewan ko at di ko naman magawang iwan ang isa. mukhang masisira ako sa pangako ko na babantayan ko siya at aalagaan. pero ibang saya ang nararamdaman ko kapag kasama ko naman ang cashier namin.

hanggang sa dumating ang isang gabi....hinihintay ko ang cashier namin dahil lalabas kami, ng biglang puntahan ako ng kuya ko sa locker namin...sinabi niyang nandyan siya kasama ang mga classmates niya.at nagbilin na hihintayin na lang ako dahil wala siyang kasamang uuwi dahil paantipolo ang mga classmates niya at siya naman ay sa sampaloc. at may gusto siyang sabihin s a akin. uuwi siya ng acoje dahil fiesta na naman at dahil siya ang reigning miss acoje ay kailangan niyang umuwi para ilipat ang crown. ibinilin ko na lang kay kuya na di pa ako uuwi dahil overtime kami at di rin ako makakauwi dahil may work na ako. sinabi sa akin ng kuya ko na sinabihan na lang siya na sasamahan na lang siya ng kuya ko pauwi pero tinanggihan niya, bigla naisip ko na baka mapapaano pa siya kaya sinabi ko na lang na hintayin na ako. ihahatid ko siya.

pero di niya alam na kailangan ko ring bumalik dahil may gimik kami ng cashier namin...dahil that time, mali man ako, pero girlfriend ko na rin ang cashier namin na during that time, mas higit pa sa kanya ang turing ko.

hinintay nila ako, kaya ayun hinatid ko na siya, pero may kasama ako ng isa sa mga classmates niya, si heidi. nong maihatid na namin siya sa sampaloc ay sabay na kami ni heidi na umuwi, pacogeo siya.

sa mga barkada niya, kay heidi ako medyo close. ...at dahil na rin siguro sa kabagutan, mas pinili kong samahan na lang ang gf kong cashier kaysa sa kanya pero di ko magawang sabihin sa kanya dahil napakaenosente niya sa breaking up lalo na at kinonsider na niyang totoo ang relationship namin. kaya kay heidi ako huminge ng tulong. di ko kayang sabihin sa kanya ng harapan dahil alam kong masasaktan siya at kahit na halos wala na akong maramdaman sa kanya, masasaktan din ako kapag nasaktan ko siya.

kaya ipinagtapat ko sa kaibigan niya ang totoong pagtingin ko sa kanya ngayon. at inamin kong may bago na akong mahal...ipinaubaya ko na kay heidi ang lahat.

after nong hatid na yon, isinara ko na ang tenga ko tungkol sa kanya. di na ako nagpakita at di na rin tumawag.

after 2 to 3 weeks na wala kaming communication, nabalitaan ko na lang na naghahanap siya ng work. gusto niyang magsummer job para ng s a ganun ay masuportahan na niya ang sarili niya at di na niya iaasa lahat lahat kanila dr pareja. nabalitaan ko din na di siya nagbakasyon sa acoje, kahit ako, di rin ako nakapagbakasyon dahil na rin sa trabaho.

di na ako nagtaka kung hindi man niya ako hanapin, o ipagtanong man lang sa acoje dahil siguro, sinabi na s kanya ng mga kaibigan niya ang confession ko. natuwa na rin ako at leat wala na akong inaalala.malaya na talaga ako kaya naging maluwag kami ng gf kong cashier.

pagpasok ng 1st sem ng 2nd year niya,1995 na non,nagpunta ako sa sm centerpoint, wala pang gaanong sm noon eh, sikat pa dati ang centerpoint, napansin ko ang pagpasok ng mga grupo ng mga girl teen agers. kilala ko sila. at di nga ako nagkamali, isa sa kanila ay di ko makakalimutan ang mukha pero sa pagkakataong yon, nagulat ako s a aking nakita....nakita ko siya, ibang iba na, moderna na, at halatang nagbago siya totally, naglalagay na siya ng make up at fitted blouse na ang sinusuto niya nadati rati ay loose t-shirts.

napansin agad ako ng mga classmates niya, pero siya, hindi hanggang sa naglakas loob na ako na lapitan siya, gulat din siya at nakita niya ako, pero nakita ko kung paano siya senyasan ng mga classmates niya na wag na akong kibuin kaya agad agad ay nag paalam na siya.

grabe! nagulat talaga ako sa nakita kong pagbabago sa kanya, dalagang dalaga na siya at lalong nag iba ang kanyang ganda ng magmake up siya. bigla para akong nablack out, biglang may nanumbalik sa akin. at parang hindi ko malabanan.

lumipas ang mga araw at buwan, nagiging madalas din ang tampuhan namin ng gf kong cashier dahil nagiging demanding siya. hanggang sa matapos na ang 1st sem.

nabalitaan kong umuwi siya dyan s a atin sa acoje para magbakasyon. hindi ako makauwi dahil nagtatrabaho naman na ako sa bago kong work, sa dunkin donuts. hataw ang trabaho doon kaya di pwedeng basta basta aalis o maglileave. kaya naisipan kong magpadala ng card at letter sa kapatid ko na uuwi naman sa atin.

pinakiusapan ko siya na iabot ito sa kanya at kung pwede ay basahin talaga niya ang letter, wag itapon.

sinabi ko doon sa letter na lubos akong nagsisisi sa nagawa ko sa kanya. dahil sa di maipaliwanag na kadahilanan, naramdaman ko muli ang pagmamahal ko sa kanya.

sinabi ko sa letter na kung tatanggapin niya ang invitation ko na pwede siyang makausap man lang after ng class niya sa 1st day ng 2nd sem, at sinabi ko na kahit anong oras ay maghihintay ako sa labas ng skul nila at kung sakaling di niya ako makita, sana ay magawa niyang hintayin ako dahil manggagaling pa ako sa work. ang sagot na hinihintay ko ay malalaman ko sa araw mismo ng pasukan. sa ipinadala kong card, doon sa content ng message, malalaman mong isang nagbabalik ang nagpadala non.

kaya pinaghandaan ko ang araw na yon, novemebr 5, first day of skul for 2nd sem sy 1995-1996. ilang araw pa bago sumapit yon.........hanggang.....


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Wed Jun 03, 2009 3:05 pm 
Offline

Joined: Fri Mar 13, 2009 9:56 pm
Posts: 5
Kaboring ng kwento u sa Maalaala Mo Kaya mo na yan ipadala malay u mapiling ipalabas pa yan sa tv....kakasawa ng kwento nyo anak ni bakyong ala man lang halo na pangiliti gaya ng sumayaw kayo ng Careless Whisper hahaha


Last edited by tommy on Wed Jun 03, 2009 10:21 pm, edited 1 time in total.

Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Wed Jun 03, 2009 7:00 pm 
Offline
User avatar

Joined: Fri Dec 26, 2008 5:51 pm
Posts: 22
Sa hinaba-haba ng kwento..nagkatuluyan din..Submit natin sa publisher ng Pinoy Pocketbooks para complete ang details!! :D
Hello na lang sa inaanak ko!! Sana di maging kasing-"playboy" ni daddy...ha ha


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sat Jun 06, 2009 9:46 pm 
Offline
User avatar

Joined: Thu Sep 13, 2007 11:47 am
Posts: 251
Location: Calamba, Laguna
astig to pareng alver, hahaha...pwede ka palang maging writer..

_________________
ROCK ON !


Top
 Profile  
 
 Post subject: AYOS!
PostPosted: Sun Jun 07, 2009 3:32 am 
Offline
User avatar

Joined: Sun May 31, 2009 4:28 am
Posts: 9
Location: Regina, SK Canada
ayos to.. ano nga ba yun? di ko gaano na gets eh.. pwede bang ulitin, sumakit mata ko sa kakabasa.. pero ayos ang tokwentz mo brow.. iba tlaga ang tinatawag na "TRUE LOVE" hehehe..

hanggang sa muli.

_________________
pOgiNaBaGSiKpA!


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sun Jun 07, 2009 6:26 am 
Offline
User avatar

Joined: Tue Jun 02, 2009 3:32 pm
Posts: 135
gaudy wrote:
astig to pareng alver, hahaha...pwede ka palang maging writer..


tol musta! yong love story mo na lang antay ko eh sigurado marami mananabik don... pati kay kuya dondon (castro)... mga pang blockbuster un pihado!

Peace tol... sana makapag rock n roll din tayo ulit!


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Tue Jun 09, 2009 6:31 am 
Offline
User avatar

Joined: Fri Aug 03, 2007 6:53 am
Posts: 148
Location: Taguig Manila
extra si butchoy castro na kabatchmate namin hahaha.... kailan ipapublish ang next episode?????

_________________
PILERDS!!! ELEM BATCH '92 / HS '96


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sun Jun 28, 2009 9:41 pm 
Offline
User avatar

Joined: Wed Jan 23, 2008 11:31 pm
Posts: 280
Location: TMC
:shock: :shock: :lol:


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Mon Jun 29, 2009 7:15 am 
Offline
User avatar

Joined: Wed May 06, 2009 8:42 am
Posts: 414
Location: Jeddah International Airport, Saudi Arabia
[font=Georgia]Ebrobsky, bakit wala kang masabi? hehehe! Ikaw, ha! Natakot ka na sa mga golden girls and boys ng Batch 75. Hindi mo na inulit ang pagdalaw sa amin, hehehe!
Muzta ka na?[/font]


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 9 posts ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum

Search for:
Jump to: