Actually Acoje is not closed, it's still open, only the mines closed. Sa pag kakaalam ko, nangyari iyan nung maturn over ang management sa mga pinoy (pls. no hurt feelings to those people involved) Noon na ang humahawak ng minahan ay mga foreigners kita naman natin ang sahuran ay weekly, syempre advantage na din yung malakas ang production.
then umalis na mga puti at eto na nga mga pinoy na ang humawak, sa simula pa eh okey pa naman ang maintenance pero siguro mismanagement din ang isang dahilan kung bakit nabankrap ang minahan, naging kada 3 months na ang sahuran at umabot pa ng hanggang 5 months and so on...kung kayat bumuo ang mga tao ng piket, nagkaroon na ng NAMAWU kung saan ito'y binubuo ng mga oposisyon. pinagbawalan na ang mga minero na pumasok.
then nagkaroon ng raid ng mga NPA, December 23-24 1986 iyon noon, kinuha mga gamot sa ospital lahat ng mga gamit sa mga opisina sinira. Diyan lang ako nagtataka at hanggang ngayon ay di ko majustify ang aking isipan kung bakit itinaon ng mga NPA ang paglusob sa Acoje sa kapaskuhan at issuance ng salary at 13th month pay ng mga tao. (sabihin na nating ito ang kanilang anniversary dec. 16) pero parang may link kasi eh. (ooppsss....kung journalist nga lang sana ako eh).....
after that incedent, bumagsak na talaga ang Acoje, at pinakamalaking rason na ang paglusob ng mga NPA nabuncrupt na ng tuluyan ang mines.Natakot mga nasa itaas na bumalik sa pwesto dahil marami ng pagbabanta.
kasi kung tutuusin, sabihin na nating humina ang produksyon ng chromite pero meron pa namang pwedeng mapakinabangan doon eh. katulad ng jade at ibang minerals na itinatago pa rin ng Acoje hanggang ngayon.
Salamat na lang may rich company na nagkaroon ng interes at syang namamahal ngayon, at syempre interesado lang sila sa produksyon na kanilang makukuha pero ang buhay ng Acoje noon ay hindi na pwedeng ibalik kung saan ito mananatili na lamang sa ating alaala.