|
Isa ako noon sa mga batang kinagigiliwan ng mga kinikilala sa Acoje. Ang mga kaibigan ko bagamat bata pa ako noon ay mga Big Time sa Acoje. Lagi ako sa [align=left]bahay ni Lolo Fiagoy, Capt. Fiagoy kung tawagin, paborito ako ng anak niya si Auntie Lenie. SIna Dr. Sababan, Dr. Pareja at Dr. Marty ay tuwang-tuwa sa akin kaya ang isa sa tambayan ko noon ay ang hospital. Ako rin ang laging nauutusan ng mga teachers ko na kumuha ng rasyon nilang bigas, si Mr. Villafuerte noon ang bodegero, uncle enteng kung tawagin ko siya. Si Mang Tonying Morales ang isa sa mga kapitnahay namin noon na mayroong TV set. Di ko malilimutan ang apat niyang prinsesa, Sina Myrna, Susan Lotlot at Neneng. Si Burgos noon ang presidente ng Labor group ng Acoje Mines. Kapitbahay din namin noon sina Manaois at Clemente, Orias, at Cabrillas, mga kapatid namin sila sa Iglesia Ni Cristo. Hindi ko rin malilimutan si Lolo Legaspi at ang anak niyang si uncle Mario Legaspi. Noong huli kong dalaw sa Acoje ay sa staff house ako tumira, kina uncle Mario Legaspi. Masaya pa sa Acoje noon. Kalaro ko lagi sa tennis si Fidencio " Nick" Bolinas Jr., anak ni Engr. Bolinas. Makikisuyo sana ako sa sinomang may mga contact sa kanila. May childhood sweetheart din ako noon ssa Acoje, si IM. Mas marami akong kaibigan noon na babae kesa lalake. Sina Lea Villaluna, Thelma Mantes, Marnita Legaspi, Flordeliza Naniong, Lani Canullas, Mylene Meing, Salome "Mariz" Consulta (niligawan siya ni Nick Bolinas, hehehe) at marami pang iba. May dalawa akong kaklase noon na lalake pero nagpapanggap na babae. Si Larry Palma at Ariel Mercado. Nagkita kami ni Ariel sa Asingan, lalakeng lalake siya at kapatid na rin sa INC. Ang sarap din ng gardening noon sa school,pagandahan ng plot. Ang mga tanim namin ay pechay, kamatis, talong at mustasa. Masarap ang pinya sa Acoje. Paborito ko rin noon ay sago at sayote. Patatas at kamote at kamoteng kahoy ang madalas na miryenda namin noon. Kung walang suweldo ay puro utang kay Atchie Mary Baguilod. Mga teachers namin noon ay ang magkapatid na Lucas, Mrs. Gascon, Mrs. Paringit, Mrs. Espiritu, Miss Catubig (Mrs. Catbagan na yata), Mrs. Patacsil, si Mr. Hebron ang Practical Arts teacher namin at si Mr. Mendegorin ang isa pa sa mga male teachers noon. Naging teacher ko rin si Mrs. Loba. Ang mga naging religion teachers namin noon ay sina Miss Banal at Miss Mangonon. Ang isa pa sa tambayan ko noon ay ang bolingan. Ginagawa pa lang noon ang Consumer Store. Lagi akong nananalo noon sa mga quiz bee lalo na kung dumarating ang foundation day ng Acoje. Ang isa sa mga namiss ko sa Acoje ay ang ating orchestra. Kapag may basketball tournament o fiesta ay lagi silang tumutogtog. Naging miyembro din ako ng Drum & Bugle Corps. (Kasama ako sa picture ng DBCorps na nakapost dito pero di yata ako matandaan ng nagpost kaya di inilagay ang name ko, hehehe). Noong umalis kami sa Acoje noong 1979 ay sobra ang lungkot na nadama ko . Cry to the max habang nasa Acoje Liner dahil alam ko hindi na ako makakabalik sa Acoje. Mahilig akong magbackyard gardening noon. Marami akong tanim na roses at carnations sa harap ng bahay namin. Hayyyyyyy..... Acoje...... kailan kaya kita uli makikita. Salamat po sa mga nagpost ng pictures ng Acoje. Bagamat hindi na kasingganda ng Acoje noong naroon pa kami ay hindi mabubura sa aking isipan ang mga masasayang araw ko sa Acoje.
|