ACOJE ONLINE COMMUNITY

It is currently Thu Dec 17, 2009 4:33 pm

All times are UTC + 8 hours



Welcome
WELCOME TO ACOJE ONLINE COMMUNITY

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so, JOIN our community today. KARRUBA for life




Post new topic Reply to topic  [ 12 posts ] 
Author Message
 Post subject: Little Kid -Big time
PostPosted: Wed May 07, 2008 7:53 am 
Offline

Joined: Tue May 06, 2008 1:26 pm
Posts: 65
Isa ako noon sa mga batang kinagigiliwan ng mga kinikilala sa Acoje. Ang mga kaibigan ko bagamat bata pa ako noon ay mga Big Time sa Acoje. Lagi ako sa [align=left]bahay ni Lolo Fiagoy, Capt. Fiagoy kung tawagin, paborito ako ng anak niya si Auntie Lenie. SIna Dr. Sababan, Dr. Pareja at Dr. Marty ay tuwang-tuwa sa akin kaya ang isa sa tambayan ko noon ay ang hospital. Ako rin ang laging nauutusan ng mga teachers ko na kumuha ng rasyon nilang bigas, si Mr. Villafuerte noon ang bodegero, uncle enteng kung tawagin ko siya. Si Mang Tonying Morales ang isa sa mga kapitnahay namin noon na mayroong TV set. Di ko malilimutan ang apat niyang prinsesa, Sina Myrna, Susan Lotlot at Neneng. Si Burgos noon ang presidente ng Labor group ng Acoje Mines. Kapitbahay din namin noon sina Manaois at Clemente, Orias, at Cabrillas, mga kapatid namin sila sa Iglesia Ni Cristo. Hindi ko rin malilimutan si Lolo Legaspi at ang anak niyang si uncle Mario Legaspi. Noong huli kong dalaw sa Acoje ay sa staff house ako tumira, kina uncle Mario Legaspi. Masaya pa sa Acoje noon. Kalaro ko lagi sa tennis si Fidencio " Nick" Bolinas Jr., anak ni Engr. Bolinas. Makikisuyo sana ako sa sinomang may mga contact sa kanila. May childhood sweetheart din ako noon ssa Acoje, si IM. Mas marami akong kaibigan noon na babae kesa lalake. Sina Lea Villaluna, Thelma Mantes, Marnita Legaspi, Flordeliza Naniong, Lani Canullas, Mylene Meing, Salome "Mariz" Consulta (niligawan siya ni Nick Bolinas, hehehe) at marami pang iba. May dalawa akong kaklase noon na lalake pero nagpapanggap na babae. Si Larry Palma at Ariel Mercado. Nagkita kami ni Ariel sa Asingan, lalakeng lalake siya at kapatid na rin sa INC. Ang sarap din ng gardening noon sa school,pagandahan ng plot. Ang mga tanim namin ay pechay, kamatis, talong at mustasa. Masarap ang pinya sa Acoje. Paborito ko rin noon ay sago at sayote. Patatas at kamote at kamoteng kahoy ang madalas na miryenda namin noon. Kung walang suweldo ay puro utang kay Atchie Mary Baguilod. Mga teachers namin noon ay ang magkapatid na Lucas, Mrs. Gascon, Mrs. Paringit, Mrs. Espiritu, Miss Catubig (Mrs. Catbagan na yata), Mrs. Patacsil, si Mr. Hebron ang Practical Arts teacher namin at si Mr. Mendegorin ang isa pa sa mga male teachers noon. Naging teacher ko rin si Mrs. Loba. Ang mga naging religion teachers namin noon ay sina Miss Banal at Miss Mangonon. Ang isa pa sa tambayan ko noon ay ang bolingan. Ginagawa pa lang noon ang Consumer Store. Lagi akong nananalo noon sa mga quiz bee lalo na kung dumarating ang foundation day ng Acoje. Ang isa sa mga namiss ko sa Acoje ay ang ating orchestra. Kapag may basketball tournament o fiesta ay lagi silang tumutogtog. Naging miyembro din ako ng Drum & Bugle Corps. (Kasama ako sa picture ng DBCorps na nakapost dito pero di yata ako matandaan ng nagpost kaya di inilagay ang name ko, hehehe). Noong umalis kami sa Acoje noong 1979 ay sobra ang lungkot na nadama ko . Cry to the max habang nasa Acoje Liner dahil alam ko hindi na ako makakabalik sa Acoje. Mahilig akong magbackyard gardening noon. Marami akong tanim na roses at carnations sa harap ng bahay namin. Hayyyyyyy..... Acoje...... kailan kaya kita uli makikita. Salamat po sa mga nagpost ng pictures ng Acoje. Bagamat hindi na kasingganda ng Acoje noong naroon pa kami ay hindi mabubura sa aking isipan ang mga masasayang araw ko sa Acoje.


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Wed May 07, 2008 8:29 pm 
Offline

Joined: Wed Apr 25, 2007 2:02 pm
Posts: 409
:cry: :cry: more memories pls........
hhaaayyyy... ACOJE...Acoje kong sinilangan... I miss you so much....


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Thu May 08, 2008 8:08 am 
Offline
User avatar

Joined: Fri Aug 03, 2007 6:53 am
Posts: 148
Location: Taguig Manila
Kuya Bernard cute ka siguro nung bata kaya kinagigiliwan ka noon sa Acoje. hehehe,, 1979 pa pala kayo umalis sa acoje, antagal na nun. Halos kasing edad ko na ang taon ng pag-alis niyo sa acoje. Umalis kami acoje pag kagraduate ko ng elem year 1992. Kami ang groupong PILERDS elem'92-hs'96. Taga section 5 po ako. Sana magkitakita tayong lahat ng anak ng acoje sa 2010 grand reunion. See you there...

_________________
PILERDS!!! ELEM BATCH '92 / HS '96


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Thu May 08, 2008 7:38 pm 
Offline
User avatar

Joined: Wed Jan 23, 2008 11:31 pm
Posts: 280
Location: TMC
hmmmm kaibigang bernard parang kilala ko to ah? :P( May childhood sweetheart din ako noon sa Acoje, si IM... )


natatandaan ko rin si larry palma na dati nag iisa lang yan na gay cya yata pinakamagand sa lahat ng mga ka batch nyang babae,,,, maitim lang ha ha ha .. tapos bigla na lang silang naging dalawa ... shocking nga mga kababaihan noon ng biglang nagladlad itong si ariel eh.... buti naman at trip lang pala nya at straight na cya ngaun.


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sun May 18, 2008 5:27 am 
Offline

Joined: Tue May 06, 2008 1:26 pm
Posts: 65
To Arnel Ambrosio; we left Acoje in 1979 because my father was granted an early retirement. I know a lot from section 5, Baniqued, Abalos, Gallarin, Azan, Canullas, etc. Lagi kaming naglalaro noon sa imbakan ng chromite. Sana nga ay makauwi kami sa Grand Reunion ng Acojenians, i really missed the place where i spent my childhood. That's why i am very thankful to the creator (s) of this site.

To Ebrobsky; Bro. lagi rin ako sa bahay ninyo noon sa section 3 lalo na pag nagdadala ako ng baon sa father ko sa lamphouse, lagi akong dumadaan doon sa inyo pero kina lolo Lino talaga ako madalas noon lalo na pag pasko, hehehe. Kumusta na lang sa kanilang lahat. May balita ka ba kung nasaan na ang mga Cabaccangs? kaklase ko dati si Emily Cabaccang, mga Pinpin, si Danilo Pinpin kaklase ko at sino na nga iyong may bilyaran sa dulo bago ka bumaba papunta sa Commissary? Madalas kasi akong tumambay noon doon sa bilyaran.


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Mon Sep 22, 2008 8:05 pm 
Offline
User avatar

Joined: Thu Sep 13, 2007 11:47 am
Posts: 251
Location: Calamba, Laguna
ariel mercado is my uncle, nasa asingan pangasinan pa rin sya , catering ang raket nya dun, hehe, ayain ko siya dito sa forum..

_________________
ROCK ON !


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Thu Sep 25, 2008 11:15 pm 
Offline

Joined: Mon Oct 01, 2007 11:02 am
Posts: 27
Location: TX
Bernard Rayos kumusta na? Lanny Canullas Gabaldon ito. Ang tagal bago ako nagsign-in uli. I'm glad to hear from you, I miss those days nong elementary tayo, a lot of memories. Bakit ba nagtitipid kayo sa initial na IM? hindi nyo na lang sabihing si Irene Magang-an!!!!! ebrobsky kilala ba kita?


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Tue Sep 30, 2008 12:01 am 
Offline

Joined: Mon Apr 09, 2007 9:28 pm
Posts: 146
Manong Bernard that was an amazing recall :D. Taga section 5 din kami, i used to play dun sa me basketball court/playground na imbakan ng chromite. how are you related to edgardo rayos of section 6?


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sun Jan 25, 2009 5:19 am 
Offline

Joined: Tue May 06, 2008 1:26 pm
Posts: 65
Debz; pasensiya na ngayon lang nakapagreply. ang alam ko basta mga Rayos from Acoje mga relatives namin. Noong nandyan pa kami ay wala pang Rayos sa Section 6. Nasa Section 4, section 5 at section 7 ang mga Rayos noon. Salamat sa iyo. God Bless


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sat May 16, 2009 12:59 am 
Offline

Joined: Sat Feb 14, 2009 12:24 pm
Posts: 60
To Bernard..... Buti naman at nabanggit mo si Capt. Fiag-oy as in Lolo ( our relative).. very respected individual! LAhat ay nag bebless sa kanya pag nakikita at nakaksalubong sya.. Si Auntie Leni ay Auntie Lenie pa rin. still single hanggang ngayon, pa travel travel na lang. Nasa Baguio sila.


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sun May 17, 2009 9:13 am 
Offline

Joined: Tue May 06, 2008 1:26 pm
Posts: 65
To Skawi; regards na lang kay Lolo Fiagoy if he is still alive at kay Auntie Leni, pakisabi from Rayos family kung natatandaan pa nila. Father ko ay dating electrician sa Acoje, madalas ang duty niya ay sa lamphouse at lagi rin akong nandoon, nagkakarga ng alkaline water sa mga nagamit na miner's lamp. my parents are still kicking & alive at kung makakauwi ako sa Grand Reunion ay isasama ko sila kung loloobin ng Diyos. Regards to you and to your family. Pwede bang malaman ang family name nyo? salamat po


Top
 Profile  
 
 Post subject:
PostPosted: Sat Jul 11, 2009 12:49 am 
Offline

Joined: Thu Jul 03, 2008 10:08 pm
Posts: 75
to gaudy
go to the pic/vid gallery
see how ariel look during our reunion


Top
 Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 12 posts ] 

All times are UTC + 8 hours


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum

Search for:
Jump to:  
cron